Sa pagpatak ng 8:30pm (local time), magpapatay ng ilaw ang buong mundo bilang pakikiisa sa Earth Hour. Since nandito ako sa Thailand, mauuna ang Pinas sa pag-observe ng Earth Hour. Ano kayang gagawin ko sa loob ng isang oras na kadiliman?
Para sa mas detalyeng impormasyon at bali-balita sa nagaganap na Earth Hour, bisitahin ang kanilang website sa http://www.earthhour.org/home/
Naaalala ko ang sabi ni Maam Mercy ilang buwan pagkatapos niyang umalis ng UP Baguio. Sabi niya, "may buhay pa pala after UPBaguio." Tama siya.
Ipinagpapasalamat ko ang pagkakapadpad ko sa UP Baguio, dahil tulad ng ibang mga pangyayari sa buhay ko, hindi ko rin naman yun inaasahan. May mga bagay lang talaga na sadyang hinuhulma para sa'yo at kahit anong gawin ko, o kung saang lupalop ka pa dumaan, dun at dun pa rin ang lusot mo. Ganun ko nakikita ang mga nangyayari sa buhay ko.
Pagkatapos kong umalis (o paalisin) sa UP Baguio, hndi ko inaasahan na may mas maganda pa palang mangyayarin sa akin. Pero, hinding-hindi rin naman ito mangyayari kung una, wala ako sa UP Baguio noong mga nakaraang panahon, at pangalawa, kung hindi ako umalis ng UP Baguio. Ibig kong sabihin, ang lahat ng bagay ay may rason at eksplanasyon na maiintindihan lamang sa tamang panahon.
Ngayon, nasa pangalawang semestre ako ng aking masteral sa Asian Insitutute of Technology dito sa Thailand. Wala akong gastos sa pagpunta dito, maging ang pananatili ko dito dahil iskolar ako ng CIDA. Hanggang 2010 ako dito pero babalik ako ng Baguio sa mga susunod na buwan dahil doon ko gagawin ang aking thesis.
Naisip ko kanina lang, dapat bago ako bumalik dun ay naka-get over na ako sa kung ano mang bagahe at angas na meron sa Baguio. Sabi nga ni Gio sa akin nung isang araw, "wala ka naman nang babalikan sa Baguio. Wala naman na 'yung dati mong trabaho." Tama siya. Wala naman na talaga akong babalikan dun. Pero, kailangan kong bumalik, kahit para man lang sa thesis ko. Hindi ko na siguro nanaising manatili dun dahil tulad nga ng sabi ni Amer, "transient" ang buhay sa Baguio, walang permanente. Hindi ko alam kung anong meron dun pagbalik ko. Sigurado, outcast na naman ako. Pero ayos lang yun, sa ibang perspektiba ko naman kailangang tingnan ang Baguio sa aking pagbalik. At iba na rin ako sa aking pagbalik.
Para lang akong ibon na napadpad sa ibang gubat. At dahil malaya ako, lilipad na naman ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako lilipad at kung saan ako makakakita ng pwedeng madapuan. Nakakapagod lumipad nang walang pupuntahan. Pero nakakapagod ding hindi gamitin ang mga pakpak. Kaya, lilipad na lang ako -- makikipagniig sa himpapawid na kumakalinga sa akin, susuungin ang hanging maaaring makasugat o makahilom. At bahala na ang araw at buwan kung gusto nilang mangulit, maging a
ng ulap kung gusto nilang magtanggol o mang-api.Hindi ko na mabibitbit ang mga dati kong bagahe. Iiwan ko na 'yun. Hindi ko na rin naman 'yun magagamit. Ang iba nun ay tinangay na ng hangin, ang iba kinain na ng uod, 'yung isa naibaon na sa limot. Bago ang mga bibitbitin ko, magagaan lang para mas madali akong makakalipad. At mas madali kong maaalala ang daan papunta dito.
Salamat sa lahat, sa mga nagpawala ng mga mabibigat kong bagahe, sa pagbibigay ng bagong babauning alaala, sa mga taong nagmahal at minahal, sa lahat ng meron at wala dito. Salamat sa pagkakataon na magkaroon ng saysay sa buhay, kahit hindi ganoon kalaki ang dating ko at mga naibahagi ko, masaya na ako na may saysay ang pananatili ko dito sa loob ng dalawang taon.
Habang sila'y nag-uusap tungkol sa teaching load nila next semester,
ako'y nag-iisip kung papaano ko bibitbitin ang mga gamit ko pababa sa
Manila.
Yes, i'm leaving Baguio.
Kailangan ko ng
direksyon sa buhay. Kung mananatili ako dito, malaki ang posibilidad na
paaalisin din ako pagkalipas ng ilan pang taon dahil sa hindi ko
natapos na graduate studies ko. Kailangan ko na ring tapusin ang MA ko
dahil nahuhuli na ako sa biyahe. Huling semestre na ng palugit na
ibinigay sa akin para tapusin ang graduate studies ko.
Maraming
rason sa aking pagbaba pero malungkot ako. Napamahal na ako sa Baguio
at gusto ko na rito. Dito hindi pinagpapawisan ang paa at kamay ko.
Dito, kaya lakarin ang SM, ang palengke, ang school mula sa bahay.
Dito, mura ang gulay. Dito maganda ang apartment namin. Dito, maganda
ang buhay.
Bukod sa lahat ng ito, ayokong iwan ang mga taong
napamahal na sa akin. Gusto ko pa silang makasama. 'Yung mas matagal
pa. Gusto ko pa ring magturo. Gusto ko pang mangulit sa mga estudyante
ko. Marami pa akong gustong gawin dito.
Pero kailangan ko munang
iwanan ang lahat ng ito, kahit isipin ko na lang na pansamantala. Dahil
kung hindi ako ngayon kakabig, baka tuluyan na akong hindi makabalik
dito.
Kaya sa lahat ng nakasama ko, sa lahat ng nakasalamuha ko,
sa lahat ng napamahal na sa puso ko, mamimiss ko kayo. At hindi ako
magsasawang alalahanin ang dalawang taong ating pinagsamahan, kahit
saan pa ako dalhin ng aking mga paa.
Dumating siya sa buhay
ko sa hindi inaaasang pagkakataon. Hindi ko pa rin nga maintindihan
kung bakit ba kami naging magkaibigan samantalang halos magkaiba ang
mga ugali namin. Madalas akong mapikon sa kanya dahil mahilig siyang
mamikon. Ang galing-galing niyang mamilosopo. Ang totoo, magaling lang
talaga siyang lumusot at magpalusot. Lagi siyang may dahilan sa lahat
ng bagay. Akala ko noon, hindi niya ako mahal. Pero sa kanyang sariling
paraan, at kahit hindi niya sabihin, alam ko mahal niya ako... bilang
kaibigan.
Hindi ko pwedeng makalimutan ang unang
beses na nakita ko siya. Aplikante ako noon sa isang org sa UP, 2nd
year college ako at ang tindi ng pagkamahiyain. Lagi akong nakayuko,
bibihirang magsalita at ngumiti. Ilap ako sa mga tao noon, lalo na sa
mga bagong kakilala. Dumating siya at nangulit sa mga taong kakilala
niya, maging sa mga bagong mukha. Nang ipinakilala kami, ayun,
nginitian naman niya ako. Pero hindi doon nagsimula ang pagkakaibigan
namin. Lumipas pa ang isang taon bago ko talaga siya nakilala nang
lubusan. Kung hindi pa dahil sa pagiging “autistic” niya, baka hindi na
talaga kami naging friends.
Hindi ko pa rin
naiintindihan ngayon kung ano talaga ang problema niya nung araw na
'yun e, pero pinili kong samahan siya kahit hindi naman niya talaga
ipinapaliwanag sa akin ang dahilan ng madalas niyang paglayas sa
tambayan, madalas na pag-iisa at madalas na pag-space-out. Pagkatapos
noon, nagpapalitan na kami ng sulat: mahaba, maiksi, may kuwenta,
walang kuwenta, kahit anong gusto naming sabihin at sulatin. Parang
naging extension ng diary namin ang isa't isa. Madalas ring mag-asaran
sa telepono, at mas madalas ako ang naaasar. Madalas din kaming
tumatambay sa Ilang-Ilang, sa Vinzons Hill, sa Sunken. Madalas naming
pagkuwentuhan ang mga bagay-bagay na sa totoo lang ay walang katuturan.
At siyempre, hindi mawawala ang usapan namin tungkol sa mga problema
namin sa pag-ibig.
May gusto siya noon na orgmate
namin na kaklase din niya sa isang subject, pero hindi niya maligawan
kasi nililigawan na nang barkada niya. Mga nakaw na sulyap na lang ang
nagagawa niya, mga nakaw na sandali lalo na noong nagpunta sila sa
Naga. Obviously, walang nangyari sa lovestory nila.
Nainlove ulit siya, sa isang orgmate ulit namin. This time,
hindi na lang barkada niya ang karibal niya kundi pinsan na niya.
Maling-mali ang mga nangyari dahil aksidente lamang ang pagkakakilala
ng pinsan niya at ng taong gusto niya. Matagal-tagal din niyang ininda
ang sakit pero wala pa rin siyang magawa dahil sa tingin niya e sagot
na sa mga panalangin niya para sa pinsan niya ang nangyari.
Sa lahat nang ito, ginampanan ko ang papel ng isang mabuting
kaibigan, tagapakinig sa lahat ng angas niya, sa lahat ng mga gusto
niya sanang mangyari na hindi naman nangyari. Minsan tagapayo lang ako,
minsan tagaasar lang. Binigyan ko pa nga siya ng “spaceship” para sa
tuwing kakailanganin niya ng kausap, mas madali na siyang makapunta sa
akin. Pero ang hindi niya alam, habang nag-e-emote siya sa pag-ibig na
hindi maisukli sa kanya, ako'y katulad niyang nag-e-emote dahil alam
kong hindi niya masusuklian ang pagtingin ko sa kanya. Hindi niya alam
na sa lahat ng iyak na ibinubuhos ko balikat niya ay dahil sa kanya, na
sa tuwing susulat ako sa kanya ay dahil namimiss ko siya, na sa tuwing
gagamitin ko ang spaceship namin 'yun ay para magpapansin sa kanya.
Pero dahil kaibigan niya lang ako, wala rin naman
akong nagawa kundi magmasid sa isang tabi at siguraduhing okey siya.
Minsan, naka-invisible mode pa nga e.
Nasanay na ako
sa ganoong sitwasyon. Akala ko pagkatapos ng masaklap na pagkabigo niya
sa pag-ibig ay makikita na niya ako sa ibang pananaw, pero mali pala
ako. Na-inlove ulit siya sa isang “almost perfect” na girl. This time,
medyo hindi na malinaw ang komunikasyon namin. Hindi ko na nga alam
kung kelan ba siya nagsimulang manligaw dun sa girl e. Bigo pa rin siya
na makuha ang pag-ibig ni “almost perfect girl”. At sa mga sandaling
ito, hindi na ako ang dumadamay sa kanya. Hindi ko na rin napansin na
may iba na pala siyang sinusulatan, na may iba nang nagko-comfort sa
kanya, na may iba na siyang “bestfriend”, na hindi na gumagana ang
spaceship na bigay ko sa kanya.
And the funny thing
was, roommate ko 'yung bago niyang bestfriend. Matagal bago
ko nakita na bumaba na naman ang puwesto ko sa buhay niya. At nung
makita ko silang magkasama, alam kong wala na akong magagawa. May
nakita ako noon na hindi ko naman maexplain pero alam kong
hinding-hindi ko na sila pwedeng paghiwalayin. Naging honest naman ang
roommate ko sa akin tungkol sa nararamdaman niya. They became closer.
And then they fell inlove.
May iba na rin akong
gusto noong naging sila pero for some reasons na hindi ko maintindihan,
nagkulong ako sa kuwarto for two days at nag-iniyak noong sinabi sa
akin ng roommate ko na sila na. Sabi ko sa sarili ko noon, “bakit ako
umiiyak, wala naman na akong gusto sa kanya.” Pero parang gusto ko lang
iiyak ang mga luha na naimpid sa kung saang sulok ng aking alaala.
Gusto ko lang din sigurong iiyak ang panghihinayang sa mga sulat niya
na sinunog ko dahil sa sama ng loob, na sana hindi ko na lang sinunog
para hanggang ngayon may natitira akong alaala noong ako pa ang madalas
niyang sabihan ng mga naiisip niya. Siguro rin, pinakawalan ko na siya
ng tuluyan at nagpapasalamat na magiging masaya na rin siya. Dahil
kahit ilang beses na siya ang rason sa mga luha ko, hindi ko pwedeng
itanggi na naging mabuti siyang kaibigan sa akin, na sa aming dalawa
siya ang nagtabi ng sulatan namin, na masaya akong makita siyang
masaya.
Hinding-hindi mo pwedeng pagkatiwalaan ang espasyo at panahon. Minsan, magkakuntsaba pa ang dalawang ‘yan. Parang partners in crime na kapag gumawa ng krimen, malinis, walang sabit, absuwelto, at ang pinakamalala sa lahat, wala kang kawala sa sakit.
May na-realize lang ako noong nakaraang linggo – wala akong maaasahan sa mga bagay na hindi lamang espasyo at panahon ang pumapagitan, kundi pati sa mga bagay na hindi umiral at walang planong umiral. At kailangan kong matutunang lumimot, gaya ng paglimot ng panahon sa nangyayari sa sinoman.
Madalas nating sabihing mahirap ang paglimot. Oo, mahirap naman talaga lalo na kung pinipilit nating huwag kalimutan ang mga sinasabi nating dapat kalimutan. Minsan, pinapahirapan lang natin ang ating mga sarili dahil mas masaya tayo sa pananatili ng alaala, o kung hindi man masaya ay takot tayong harapin ang buhay na may nakalimutan. Mas gusto nating ngumawa kapag wala nang magawa at pakiramdam natin ay nababawasan na ang ating pagiging tao, dahil kapag nasasaktan tayo, pakiramdam natin ay buo ang pagkatao natin. Mas gusto nating alalahanin ang mga masasakit, para umasa lang din sa maaaring maghilom nito. Baliw lang talaga tayong lahat. O pwedeng ako lang.
Sige, ako na lang.
Sakit ko ito e. Sobrang umaasa sa panahon at himala – may magugustuhang tao at kung hindi pwede ngayon, baka pwede bukas. Kinokontra naman madalas ng panahon at realidad – kung hindi pwede ngayon, malamang hindi pa rin pwede bukas, asa pa. Kung minsan, pinaglalaruan ng panahon at distansya – hindi na mga pwede, lalayo pa. Minsan, pinagsakluban pa ng langit at lupa, panahon at distansya at pinagkaitan ng himala – ito ang meron ngayon, wag nang umasa pa sa bukas. Pero kahit ganyan, wala, asa pa rin nang asa hanggang itambad na lang sa harapan ko ang walang kasing pait na realidad – HINDI NIYA AKO GUSTO. At kahit ilang beses ko pang pagbali-baliktarin, hindi maaaring lumabo ang katotohanang ito. Makokontento na lang ako sa mga pagbabaka-sakali, hanggang sa mismong ako ay lamunin ng espasyo at panahon, makakalimot pero hindi makakaligtas sa sakit.
Sana lang madaling lumimot, o kaya’y madaling bumitaw sa mga pagbabaka-sakali, o sa pag-asa sa hinaharap. Pero hindi e. Mapanlinlang nga naman kasi talaga ang panahon. Walang sinasanto, maging kahapon man ‘yan, ngayon, o bukas. Mahirap bitawan ang nakaraan, mahirap harapin ang ngayon, at nakakatakot ang maaaring mangyari bukas. Sinong hindi mababaliw sa ganitong sistema? Dagdagan mo pa ng espasyo – mapakonti o maparami, masama. Hindi mo matantya-tantya kung kailan sakto ang espasyo. Malalaman mo na lang na masama kung sobrang dami na pala, o sobrang layo na niya. At madalas, huli na ang lahat para solusyunan pa dahil, nakipagkuntsabahan na ang espasyo sa panahon, at nagtampo na ang himala, at hindi na kayo mahagilap ng pagkakataon.
Masaklap at masakit, pero ito ang mga bagay na kailangan kong harapin ngayon. O tanggapin? Kaysa pahabain ko pa ang panlilinlang ng espasyo at panahon, harapin ko na lang ang katotohanan na wala akong mapapala sa mga pinanghahawakan ko, dahil unang-una sa lahat, hindi ko man lang naman nahawakan ang mga ito.
You were so close. You invaded my own space, called it your own, just because you thought I was willing to let you control my life. You made me believe I was too weak to fight your will. But I wasn’t. And you knew that.
You did not let me get close to you. I did not know you. I did not even have the chance to touch you, or embrace you, or kiss you back. You were too far for me to reach, but I was just too near, too near for you to see my face. And you did not even bother to look.
You did not look at me, that’s why you did not even see me leave.
Or probably you just didn’t care if I’m gone.
And you did not even love me, not once.
I left you. I went too far so you cannot find me, if you even dare search for me. I picked a place where there are so much space for myself; to grow, to enjoy life as I see it, to breathe, to love and be loved the way I’ve always wanted.
And you, you’re still the same. No one dares touch you for the fear of losing you. I lost you, but I don’t regret it because for the first time, I know how it feels like to love myself. And I’m loving it.
SEMBREAK- panahong pinakahihintay ng mga estudyante. Noong nasa kolehiyo ako, ito ang pinakamasayang panahon dahil walang klase, walang exam, walang iniisip, pero wala ring baon. Ngayong guro na rin akong, isa ganoon pa rin ang "feel" ng sembreak dahil kung noong estudyante ako ay nangangarag ako at sembreak lang ang tanging pahinga, mas lalo na ngayon. Bakit? Dahil pagkatapos mangarag ng mga estudyante ko sa kanilang final exam at final papers (note: plural) ay ako naman ang mangangarag sa pagtse-check ng kanilang mga kapapelan.
Ngayong Oktubre, hindi lamang sa pagmumukmok sa bahay ang inatupag ko. Bukod sa panonood pa rin ng Anime at kung ano-anong pelikula sa cable, ito ang mga pinagkaabalahan ko sa loob lamang ng dalawang linggo.
VOLUNTEER KAMI! Masarap ang pakiramdam kapag nakatulong. Bata pa lang ako ay iminulat na nina Lola at Mama ang mata namin (magpipinsan) sa pagtulong sa kapwa na walang hinihinginh kapalit. Noong nasa kolehiyo, ang org kong AMiCUS ay madalas magdaos ng Medical Mission sa kung saan-saan, maging pagbibigay ng libreng tutor sa mga batang nangangailangan ng dagdag na pagtuon sa kanilang pagkatuto.
Hanggang ngayon ay hilig ko talaga ng mga ganitong gawain. Kaya naman noong pumayag si Dean Calinawagan na sasama ako sa Departamento ng Komonikasyon sa kanilang Campus Journalism Workshop ay na-excite talaga ako. Sina Amer, Arjay, Dazzie at Marifi ang nagsipagturo at ako, ako lang naman ang DAKILANG documentor.
Sa mga lugar na nakasama ako bilang "taga-piktyur" ay naramdaman ko ang dedikasyon ng mga gurong ito sa kanilang trabaho at sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga kababayan. Kahit pagod na pagod na sa kasasalita ay hindi nila iniinda. Saludo talaga ako sa mga 'to.
Sobra ko ring na-enjoy ang pagiging documentor. Ang hilig ko rin sa sining ang nagbibigay ng "fuel" sa akin para sumama, magbuhat ng sandamukal na gamit, maglakad ng malayo, etc. At hindi ko pinagsisihan ang pagsama ko.
Bukod sa mga ito, nakakatuwang makihalubilo sa mga batang makukulit at bibo. Sabi nila, kung nasasaktan ka daw at ang iyong puso ay hindi alam kung paano kakayaning ngumiti, makipag-usap ka daw sa isang bata at gagaan ang iyong kalooban. Totoo 'yon! At sa mga pakikisalamuha namin sa kanila, maging kami'y maraming natutunan.
LABOY SESSION
Alangan namang mawala ang laboy, siyemre hindi. Pingad, Mt. Province ang destinasyon ngayong oktubre.
Napakaganda ng natural na ilaw sa lugar na ito. Ang gandang magpiktyur-piktyur! Hindi na kailangan ng flash. :D
Sa tatlong araw ng workshop, hindi pa kami nakagala pero isang katanghaliang tapat ay hinatak kami ni Maam Irene sa Viewdeck para makita ang nakatambad na kagandahan ng kalikasan.
Pagkatapos ng workshop, dumeretso kami sa Sagada para doon i-celebrate ang 25th birthday ni Amer. Sa Sagada:
Naghintay ng alas-12 para sa birthday ni Amer habang patong-patong ang damit,
Nag-agahan sa Yoghurt House,
Nag-caving sa Sumaging Cave,
Tumingin sa Hanging Coffins,
Sinorpresa si Amer ng banana cake,
Sumigaw sa Echo Valley,
At kumain ng Lemon Pie.
INDELIBLE INK Pag-uwi ko sa amin, akala ko tatambay lang ako tulad ng ginagawa ko dati pero hindi. Dahil sa kinailangan kong rumaket ng pamasahe pabalik ng Baguio at dahil ayoko na ring mag-iniyak dahil sa galit sa mga pesteng @#$%&@#$%#, minabuti ko na lang na mag-serve sa baranggay election sa amin.
Bilang Third member, ako ang naglalagay ng "indelible ink" sa mga bumuboto. Maraming ayaw magpalagay, as if makakalusot sila sa akin. Sabi ko na lang sa kanila, patunay 'yan na isa kayong mahusay na mamamayan ng Pilipinas. Hindi ko nga lang alam kung pinaniwalaan nila ako.
UNDAS Hindi kami natuloy ni Aileen na magkita dahil uber busy siya sa nalalapit na Milagrosa something sa amin. Saglit lang din ako sa pantyong (tawag sa sementeryo sa amin). Hindi rin nagsidatingan ang iba naming pinsan. Ang mga pinsan ko lang na nandoon ay mga lalaki at busy sa kanilang mga girlfriend. Ako, naiwan sa bahay, lumalamon ng suman na gawa ni Mama habang nagpapakasawa sa Anime.
Ayun. Pagdating ng Nobyembre 4, biyaheng Baguio na naman ako. Balik pagtuturo, at iindahin ang semestreng ng pamumulubi. Pero, keri lang naman. Sabi nga ni Arjay, "kelan naman tayo hindi naghirap?" Ngiti na lang, dahil sa Summer, mas mahabang paglalakbay ang magaganap. :D
I'm leaving Baguio soon. At kasabay ng pamamaalam ko sa Baguio ang pamamaalam ko sa blogpage na ito. Marami na kaming pinagsamahan but everything has its ending. I'm leaving a good blog entry maybe later, kapag naplantsa ko na lahat. For now, teaser na lang muna. :D